Isa ako sa mga pinalad na pumasa sa UPCAT. sa mga hindi maka-relate, hindi po ito pagsusulit ng mga pusang nagnanais umangat ang pamumuhay kundi isang pagsubok sa kakayahan ng isang pobreng alindahaw na nagkukumahog makapasok ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ano nga ba ang nag-udyok sa isang sitsirisit alibangbang na kagaya ko na makipagtuos sa libu-libong kapwa ko senior high school student para maging Iskolar ng Bayan kuno? sa mga tsismosa, pwes una, dahil sabi ng nanay ko. pangalawa, dahil sabi ng idol ko - syempre tatay ko yun. pangatlo, dahil sabi ng titser at guidance counselor namin ng haiskul. at ang panghuli, dahil sabi ng konsensya ko kailangan ng pamantasan ng mga magagndang halimbawa ng pagiging bangag, sabog at praning bagaman simpleng henyo. rakenrol!!
marami akong natutunan sa tatlong taong pamamalagi ko sa peyups. hindi man ako nakapagtapos ng batsilyer ng agham sa pang-industriyang inhinyerya (BSIE in short), masasabi ko namang sapat na ang mga sandaling nakipagniig ako sa buhay na walang konkretong direksiyon. Pwede na palang kantutin ang buhay? mabalik tayo.. walang direksiyon dahil napakalawak ng UP. sa mga unang linggo ko bilang freshie ay kinailangan kong magbaon ng mapa sa takot na ako'y maligaw sa 492++ has. ng bukirin. este lupain. walang direksiyon dahil ang mga hayop at walang awang upperclassmen ay pinagtangkaan akong iligaw ng landas matapos paasahing ako'y gagahasain. ituro ba namn ang CR na TBA. aba'y punyetang TBA yan. pano ako mag-aaral ng math sa kasilyas? ano ako hilo? mahirap kayang kumuha ng volume ng dilaw na likido na kailangn pang sandukin mula sa inidoro. Haha! hindi nila ko maloloko noh. at isa pa, wala talagang direksiyon ang buhay ko bago pa man ako nagkolehiyo kaya walang direksiyon.
 to be continued..
Tuesday, March 11, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)
